Bakit nga ba dubai???

Burj Khaliffa at night



Bakit nga ba "DUBAI"

Marming nag tatanong kung ano nga ba meron sa dubai... anong klaseng buhay meron ang mga tao sa dubai. Bilang isang OFW na naka base sa DUBAI pwede ko maibahagi kung ano meron at kung anong buhay meron sa dubai. Bilang pauna sa lahat ay nais ko muna na ibahagi ang history ng DUBAI.

        Dubai (Arabicدبيّ‎ DubeiiIPA: [du'beii]English pronunciation: /duːˈbaɪ/ doo-by) is a city and emirate in the United Arab Emirates(UAE). The emirate is located south of the Persian Gulf on the Arabian Peninsula and has the largest population with the second-largest land territory by area of all the emirates, after Abu Dhabi.[4] Dubai and Abu Dhabi are the only two emirates to have veto power over critical matters of national importance in the country's legislature.[5] Dubai City is located on the emirate's northern coastline.
       The earliest recorded mention of Dubai is in 1095, and the earliest settlement known as Dubai town dates from 1799. Dubai was formally established in 1833 by Sheikh Maktoum bin Buti al Maktoum when he persuaded 800 members of the Bani Yas tribe, living in what is now part of Saudi Arabia, to follow him to the Dubai Creek by the Al Abu Falasa clan of Bani Yas, and it remained under clan control when the United Kingdom assumed the protection of Dubai in 1892.[6] Its geographical location made it an important trading hub and by the beginning of the 20th century, it was an important port. In 1966, the year oil was discovered, Dubai and the emirate of Qatar set up a new monetary unit to replace the Gulf Rupee. The oil economy led to a massive influx of foreign workers, quickly expanding the city by 300% and bringing in international oil interests. The modern emirate of Dubai was created after the UK left the area in 1971. At this time Dubai, together with Abu Dhabi and four other emirates, formed the United Arab Emirates. The following year Ras al Khaimah joined the federation while Qatar and Bahrainchose to remain independent nations. In 1973, the monetary union with Qatar was dissolved and the UAE Dirham introduced throughout the UAE. A free trade zone was built around the Jebel Ali port in 1979, allowing foreign companies unrestricted import of labor and export capital. The Gulf War of 1990 had a negative financial effect on the city, as depositors withdrew their money and traders withdrew their trade, but subsequently the city recovered in a changing political climate and thrived.
            Today, Dubai City has emerged as a global city and a business hub.[7] Although Dubai's economy was built on the oil industry, the emirate's model of business drives its economy, with the effect that its main revenues are now from tourism, real estate, and financial services, similar to that of Western countries.[8][9][10] Dubai has recently attracted world attention through many innovative large construction projects and sports events. This increased attention has highlighted labour rights and human rights issues concerning its largely South Asian workforce.[11] Dubai's property market experienced a major deterioration in 2008 and 2009 as a result of the worldwide economic downturn following the Financial crisis of 2007–2010.
           Masasabi nating ang dubai ay madami ding napag daanan kung ano meron sila ngaun.
           Naka tatak na sa isip ng tao na pag ikaw ay galing Dubai ikaw ay mayaman at mapera... Maraming ipon at maraming na ipundar sa buhay. Akala ng lahat ng tao ay maganda ang buhay ng mga taong nag tatrabaho sa dubai.
         Ang masasabi ko lang, hindi lahat ay pinapalad at hindi lahat ay maganda ang buhay. Merong minamalas merong nahihirapan. Merong napapariwara ang buhay merong nag tatagumpay. Kasi ang lahat ng ito ay nakaka salalay sa isang tao kung paano patakbuhin ang kanyang buhay sa banyagang bayan.
Pag sinabing DUBAI maganda lahat nan dudoon na... OO maganda ang dubai pag dating sa mga infrastructure. Dahil dito makikita ang pinaka mataas ng building sa buong  kung tawagin ay "Burj Khaliffa" at ang "Burj Al Arab" na kinukonsedera as 7 star hotel dahil sa mga ginto nitong mga dingding at kung ano pang display meron sa loob nito.
Nakilala ang DUBAI dahil sa mga land marks na to. 
Burj Al Arab

Burj Khaliffa
        Di ba sa picture palang eh nakaka bigahani na ang dubai?? Kya lahat ng mga kababayan ko ay nag kukumahog na maka punta sa dubai dahil alam nila na ito ang sagot sa kanilang matagal nang pangarap na maka ahon sa buhay.  Hindi ko naman dinidiscourage na pumunta dito sa dubai ang ating mga kabayan. Baka sabihin naman nila ng masayado ako maka sarili at gusto ko lang na ako ang yumaman. Pero hindi naman sa ganung dahilan, gusto ko lamang imulat sa ating mga kababayan na kung ano ang realidad ng buhay ng ating mga kabayan dito sa dubai.  
      Sa tatlong taon ko dito sa dubai, napakadami ko nang naka salamuhang kababayan o mapa ibang lahi man. Kya alam ko kung ano ang kwento ng bawat taong nakikilala ko sa araw araw.
       Lahat sila may mga pinag dadaanan sa buhay. Merong kontento lang kung ano meron sya..kuntento sa sahod at kuntento sa trabaho. In short simpleng buhay lamang meron sya eh masaya na.  Meron naman akong nakilala na lahat yata ng kamalasan sa buhay ay kanya nang naranasan. Paghihirap sa pakikipag sapalaran maitaguyod lamang ang pamilyang naiwan.Kulang nalang maisangla pati kaluluwa mag ka pera lamang. Meron naman akong nakilalang maganda ang buhay. Naka tira sa magandang Flat completo sa gamit, maganda ang trabaho at maganda ang sahud. In short maswerte ang buhay nya dito hanggat buong pamilya nya eh na dala nya dito. Sa isip ko sana ganito nalang lahat ng mga kababayan ko dito para naman masaya lahat khit malayo sa mga mahal sa buhay.
       Di lang sila ang nakakilala ko. Madami pa, iba iba ang kuwento sa buhay. Merong nag umpisa sa napakaganda ang buhay pero at the end na uwi sa puro utang. Merong namang walang wala na nga, ibig ko sabihin, walang trabaho, walang pera, pero mataas pa din ang ihi o ubod ng yabang. Sigro ganun talaga ang buhay. May mga taong di na kokontento kung ano meron sila. Well kung sa bagay lahat naman tyo eh minsan di kontento sa buhay kung ano meron tayo. We strive for more but di natin namamalayan na yun pla ung lalo nating ikakabagsak sa buhay.
       Masasabi ko rin na ang dubai ay "Sin City" ito po ay sarili ko lamang pananaw sa buhay. 
        Masasabi kong Sin City dahil lahat ng tentasyon ay makikita mo dito. Tulad na lamang sa ating mga kabayan, lahat kasing napupunta dito sa dubai ay "Single" tama nga naman.. May pamilya ka sa pinas pero single sa dubai dahil wla naman asawa at anak nila sa dubai. 
Marami akong nakilala na nawasak ang pamilya, nag hiwalay ang mag asawa, nag break ang mag syota at kung ano ano pa. Dahil single lahat sila.
        Di ko naman nilalahat, d ko naman sinasabi na lahat nag hihiawalay, ang sinasabi ko lang eh kung ano nakikita ko at nasasaksihan na mga pang yayari sa aking paligid. Meron nman going straight talaga, kasi hinding hindi nag papadala sa tukso ika nga nila. At saludo ako sa mga taong ganun. At masarap pakinggan na may mga kabayan pa palang ganun.
     Meron din namang mga kabayan, may pamilya sa pinas meron ditong kinakasama hanggat ito ang magiging simula ng pag away nila. Merong nauuwi sa hiwalayn, meron nang pinag lalaban ang karapatan bilang asawa. Pero ang masaklap sa lahat eh kung mag karoon pa ng  anak sa kinasama. Di alam kung paano iparating sa pamilya na nag karoon ng anak sa iba. Dahil alam nating lahat na ito ay maaring mitsa sa pag kawasak ng pamilya. Pero  alam nating lahat na ito ay ordinayo lamang nang yayari lalo na kung ikaw ay malayo sa anak at asawa. D ko din naman masisisi ung taong nag kaganito, ksi alam ko mahirap mamuhay na nag iisa lalo na kung lalake ka. Minsan nakikipag kwentuhan ako sa kanila. Ganun nga sabi nila mahirap ang mag isa, ksi mangungulila ka sa iyong pamilya, lalo n sa iyong asawa. Sinabi nila na lalaki lamang sila. Kung sa kanta ika nga nila na " Di ba akoy taong nadadarang at natutukso din" pero sa tingin nyo tama ba itong dahilan nila??? Ako na nandidito sa dubai na malayo sa pamilya, masasabi ko na may parte na naiintidihan ko sila.
         Kasi nga sobrang hirap mag isa. Basta ang importante alam nila na pamilya ang prioridad nila. Di nag kukulang sa pag papadala buwan buwan ng pangangailangan ng pamilya. Basta ang importante di tinatalikuran ang resposibilidad sa anak at asawa.
Meron din akong nka usap, ang sabi, ang "ASAWA" napapalitan, nadadagdagan o nababawasan, pero ang ANAK ay nag iisa lang. Iniisip ko, oo nga may point sya. Khit kyo siguro tanungin ko, mas mahal nyo anak nyo kesa sa asawa nyo.  Ganun talaga siguro pag magulang. Kaya syang talikuran anak, pero ang magulang d kayang tiisin at talikuran ang anak.

Kaya saludo ako sa mga magulang na nandidito sa dubai maigapang lamang sa kahirapan ang mga anak para mabigyan ng magandang buhay at maka tapos ng pag aaral.

         Mga magulang na hinding hindi nakakalimutan ang obligasyon sa mga anak.
           Meron din akong nakasalamuha, ang lake ng problema, lahat na yata ng banko sa dubai may utang sya. Utang sa loan, utang sa credit card at kung ano ano pa. Ang nakaka lungkot eh sa dami ng utang nya, wla manlang naipundar para sa future nya. Ito ang masaklap para sa lahat, di mo alam kung ano nag gagawin pag puro utang ka.
         At hindi lingid sa kaalaman ng lahat,  may nag papakulong para lamang mawala ang utang nila.
         Oo nag papakulong, d ko maisip kung ano sitwasyon ng mga kabayan nating nabaon sa utang at nag pakulong kabayaran ng utang nila. Napaka lungkot isipin na ikaw ay makulong dahil sa utang lalo na sa dayuhang bansa ka. Eh ano pa nga ba magagawa mo kung un lng ang pinaka madaling solusyon mabayaran ang ang libolibong utang mo sa bangko. Db kahit ikaw gagawin mo din matapos lng ang problema mo sa bangko?? Nakaka awa pero realidad ito sa DUBAI na gusto nating puntahan lahat, lugar n pinapangarap ng lahat.
            Ilan lamang ito sa mga pang yayari sa dubai na aking nasasaksihan. Sa pag patuloy ng aking buhay dito at pakikisalamuha sa ibat ibang tao, ang dami kung natutunan at pwede kung baunin saan man ako mag tungo hanggang sa kamatayan ko.
           Ang nais ko lamang eh maipaabot sa mga taong maka basa ng blog na to, na ang Dubai ay hindi Paraiso para sa lahat ng tao. Ito ay naka depende sa tao kung paano nya patakbuhin ang buhay nya dito.  At the end tayo pa din nakaka alam kung paano pagalawin ang buhay natin.
             Kung pano tyo mag decide para sa buhay natin.
              Ang sa akin lang, pag isipan nating mabuti lahat ng hakbang at desisyon na ating gagawin para sa huli wala tayong pag sisihan. 
         At dapat lagi tyong handa kung ano man consequences dun sa mga desisyon natin.
        And put GOD in the center of our life. Ano man ang mang yari sa buhay natin sya lang lagi ang ating takbuhan.
Hanggang d2 nalng ang aking blog.  Sana ay may natutunan kyo sa mga kwento ko about sa dubai at naliwanagan kayo kung ano meron sa dubai.  




Comments